#conyo si march
Explore tagged Tumblr posts
Text
↳ pairing : dan heng x gender neutral reader
↳ prompt : hanggang notes lang yung gusto kong sabihin sayo, pero kahit alam na alam ko na di ko kaya isabi sa mukha mo, mamahalin kita from afar.
↳ authors note : for my non-filos, the prompt is essentially writing everything you want to say for a person in your notes app and admiring them from afar <3 this is me self projecting & taking this chance to practice some filo
↳ brief disclaimer : this is for my hopefully existing filipino audience! i will be providing translations and such if people want it
MODERN FILO AU
Stelle and March 7th dealt with your constant rambling of your 5th 'happy crush' this year. "Promise! Iba na to, I sweaar!" You'd giggle, but the two just gave each other a look and back at you. "Whatever you say..." Knowing damn well you've said that every single time, and they were in fact, not different.
Just like clockwork, at the same hour and at the same place, Dan Heng quietly walks by the table the three of you were seated on. His earphones in his ears as he's kept busy with whatever is on his phone, you catch a quick glance and you start to cover your mouth and giggle. "Haysss, ampogi ni crush." You'd say while kicking your feet, and Stelle and March 7th's jaw DROPS at the realization.
"SIYA??" The pair said together, slamming the table and jolting up from their seats, the same baffled expression as they looked at you. "Oo, b-bakit? Mali ba desisyon ko?" You stammered, putting your hands up in the air while smiling awkwardly.
Stelle crosses her arms, and March 7th puts a hand on her hip and the other points at you. "Ingatan mo ang puso mo bhie, reputation na rejecter yun. Sobrang cold sa mga tao nagcoconfess sakanya!"
"Super super cold yun. As in parang aircon." Stelle huffs, nodding her head in agreement to March's statements. "Ang weird ninyo, of course hindi ako magcoconfess!" You retaliate, grabbing your phone from your hand and passing it over to them. "Hanggang notes app yung rants na sobrang pogi niya, wala naman akong plano sabihin sakanya eh." You watch as Stelle grabs it from the table and March 7th takes a peek at what you were showing.
"Crush ng bayan yan, wala naman akong chance." Was the last thing you added, shrugging your shoulder as you accepted your feelings most likely not being reciprocated.
Stelle looks at the phone, looks at you, one more look to the phone and finally a disgusted stare in your direction. "Corny mo."
"Alam ko naman."
"You're hopeless." March 7th sighs, going on her phone to what you could only assume to be and check whatever notification made it go off and buzz.
#˚₊· ͟͟͞➳❥ bailu's candy stash#honkai star rail x reader#hsr x reader#dan heng x reader#dan heng hsr x reader#I LOVE HIM!!#hsr filo au#conyo si march#real
180 notes
·
View notes
Text
movie/series date with Yuji
Day 1. March 17, 2020.
Matagal ko na talaga ‘to balak panoorin. I’m not sure lang kung kasama siya sa entry before sa MMFF, or as in pinalabas lang siya? Di ko alam eh pero mas sigurado ako dun sa former part. Anyway, bigla ‘to nag boom netong quarantine week. Si Kip Oebanda kasi, yung director, inupload yung full film sa youtube for free. Ginagawa lang daw niya yung part niya HAHA :( Inaya ko si Yuji manood niyan kasi maganda rin daw talaga ‘yan eh.
From the poster itself, obviously, it’s about the life of law students. Bali ayan,4 sila na magkakaibigan. Si Torran (Rocco Nacino) na may weird ass name. Kung i-oobserve mo pangalan niya, mukhang name ng isang character sa DOTA or LOL eh. Cool siya tapos may photographic memory din, sabi sa film ha. Tapos sobrang supportive ng pamilya ‘nya, nakakatawa pa. Si Erik (Carlo Aquino) naman, maayos lang yung buhay nila. Pero kami ni Yuji naaawa sakanya. Sakto nga lang kasi yung pamumuhay nila, kumbaga sa kanilang magkakaibigan, siya talaga yung may pinaka need ng financial help. Yung tatay niya kasi, security guard lang eh. Pero natataguyod naman. Sabi ni Yuji, magka-vibe daw si Carlo tsaka yung kuya niya hahaha. Si Chris (Enzo Pineda), eto parang resident dude pare chong bro. Sa magkakaibigan, siya yung parang nag pre-law sa ADMU eh. HAHAHA putangina. Conyo as fuck. Siya pinakamayaman. Mayaman yet matalino at the same time. Lawyer din tatay niya, pero yung tatay niya na ‘yun, kupal eh. Ayoko sa tatay niya. Lastly, si Josh (Kean Cipriano). Sabi niya, ayaw naman daw talaga niya sa law. Parang di raw niya nakikita sarili niya dun. Kaya parang mas nag pursue siya sa acting/modeling career niya. Silang apat yung magkakaibigan.
Maganda yung intro nung film. Yung opening ba, kumbaga. Kasi parang ang entrance nung film, yung naglalog in ka sa computer shop. Diba sa mineski ganun, dapat may sarili kang account. Hahaha astig nga nung opening eh. Parehas namin nagustuhan ni Yuji yung intro. Pero ayun nga, kung tatanungin mo ako sa plot, ang masasabi ko lang is umiikot ang kwento sa buhay ng mga estudyante sa law school. Kung ano yung hirap at sakripisyo nung mga estudyante and at the same time nung nagpapaaral sakanila. Sa law school, lagot ka talaga kapag hindi ka nagbasa sa readings. Nalula nga kami ni Yuji kasi may scene dun na yung isang readings sakanila, super kapal. As in isang libro ata ‘yun putangina awit HAHAHA :( tapos makikita mo rin dun yung sacrifice ng isang top A student tas papapiliin ka kung mas gusto mo ba na mamaintain yung 1.00 na grade mo pero may babagsak tas kasama dun tropa mo, or piliin yung 1.25 na grade na makaka-apekto sa academic performance mo. Mga ganun ba HAHAHA. Tapos yung pressure na binibigay ng parents. Na you have to be like this or that. Meron din naman yung makikita mo talaga kung gaano kahirap yung sacrifice na binibigay ng isang magulang para makapag-tapos ang anak. Sobrang lungkot lang talaga nung nangyari sa tatay ni Erik eh. :( Hahahaha isa siguro sa pinaka memorable na part sakin dito yung ano, Erik tried to hit up on their gay prof. Bagsak kasi si Erik sa sub na ‘yun, I mean kaunti na lang tas pasado na siya. Hahahaha ‘tas sabi ni Chris and Torran, chupain daw or makipagsex daw dun sa prof baka raw i-adjust grade. Eh pagdating naman ni Erik dun sa office nung prof di ‘yun ang nangyari. Kasi may principle daw siya na pinanghahawakan, pwede naman daw pag naka graduate na si Erik :( Naawa nga rin pala kami ni Yuji nung hindi natanggap si Josh sa law school tapos yung tatlo nakapasa. Syempre kahit naman sabihin mo na okay lang na bumagsak ka, sa loob loob mo masakit din yun. Anyway, sa law school nga din pala, di talaga maiiwasan ang hazing. Nandito rin sa film na ‘to si Vance Larena. Siya yung head nung fraternity na naghahazing. Bagay sakanya mga ganung role. Parang yung mukha niya, pang gago na talaga eh. Siguro dapat sa susunod ibang role naman yung kunin nya, yung hindi gago gago para ma-challenge diversity niya when it comes to acting. Para di sya nakikilala sa isang bagay labg. Ewan that’s just me HAHAHA. Need talaga na sumali ka na ng fraternity minsan para lumawak connection mo.
Syempre dahil umiikot sa law school ang film na ‘to, hindi mawawala ‘yung mga iba’t-ibang klase ng prof. Yung mga sobrang strikto. Strikto pero alam mong tutulungan ka. Ganun lang talaga sila in a hard way. Yung sa medyo dulo nga nung film eh, namotivate ako sa sinabi ni Atty. Hernandez. Sabi niya “Kung hindi ka natatalo, hindi ka gumagalaw.” tsaka yung “The purpose of life is to be defeated by greater and greater things.”
Yung mga linya na ‘yun, tumagos sakin. Syempre minsan talaga ‘pag nag-aaral ka, hindi naman mawawala yung part na bigla ka na lang mawawalan ng gana sa lahat eh. Yung feeling na kahit anong effort pa gawin mo, parang lagi ka lang nandun sa kung ano ‘yung naka sanayan mo. Yung feeling mo, hindi ka umuusad. Pero sometimes kasi talaga, trying is just as meaningful as winning. Kung titignan mo yung dalawang salita, magka-tumbas lang sila. Minsan sa buhay, di naman natin namamalayan na sapat na pala yung nagtatry tayo. Kasi it means na you’re moving forward. Hindi mo man makita ang progress agad agad, pero ayan ka eh. Umuusad ka. Wala ang ganda lang. Tsaka parang papasok din sa quote na ‘yan yung prinsipyo ko sa buhay na “Suffering is essential.” Dun ka kasi mas matututo. Pag naghihirap ka. Kasi lahat matetest sa’yo eh. Patience mo, pati perseverance. Dedication, even. Wala eh, minsan gagawin natin lahat para i-skip ang hard parts ng buhay pero di natin namamalayan na kailangan natin ‘yun.
Ang ganda ng script ng film na ‘to. Witty and inspiring siya. Kung ako nga na med student nainspire, paano pa kaya yung law student diba. Highly recommend.
Final verdict: 9/10
0 notes